"Impossible pong ma-Hack" Comelec on Midterm Election

"Impossible pong ma-Hack" Comelec on Midterm Election

Kakabitan lang ng kable kapag magta-transmit na ng results
Kamakailan lang, nilagdaan ng Comelec ang isang kontrata na nagkakahalaga ng 1.4 bilyong piso kasama ang joint venture ng iONE Resources, Inc. at Ardent Networks Inc. para sa Secure Electronic Transmission Services o SETs. Ayon kay Chairman George Garcia ng Comelec, garantisado ang seguridad ng transmisyon ng ating mga boto.

Sabi ni Chairman Garcia, "Impossible pong ma-hack ang transmission dahil ang mga machine na ginagamit natin ay stand-alone; hindi nakakabit sa kahit ano. Kakabitan lang ng kable kapag magta-transmit na ng results." Ibig sabihin, isolated ang mga makina hangga't hindi pa oras ng transmission, para maiwasan ang anumang uri ng external interference.

Bago pa man magsimula ang transmission, ipamamahagi na ang election returns sa iba't ibang stakeholders tulad ng mga watcher at citizens’ arms. Sa ganitong paraan, maaaring magkaroon ng countercheck sa mga transmitted results, na nagbibigay ng karagdagang layer ng seguridad at transparency.

Binigyang diin din ni Chairman Garcia na ang Comelec mismo ang magmamay-ari at magpapatakbo ng mga server at logs. "Ang lahat ng servers, data, at logs ay pag-aari ng Comelec. Kami rin ang mag-ooperate ng mga equipment," sabi niya. Ang joint venture ay gagana lamang bilang suporta sa likod ng mga operasyon.

Isang pagbabago sa darating na eleksyon ang "send-to-all" system. Sa halip na dumaan sa transparency server, direkta nang ipapadala ng automated counting machines ang mga resulta ng eleksyon sa mga major at minor parties, citizens’ arms, at media. Ang sistemang ito ay magbibigay-daan para sa mas maraming grupo na maverify ang mga boto nang mas mabilis at mas epektibo.

Makikipagtulungan din ang Department of Information and Communications Technology o DICT para mag-mirror ng mga resulta mula sa mga precinct, na magbibigay ng dagdag na seguridad at kakayahan para sa mabilis na resolusyon kung may mga issue man na lumitaw.

Sa mga hakbang na ito, pinapalakas ng Comelec ang integridad ng electoral process sa Pilipinas. Nananatiling prayoridad ang transparency at seguridad, para matiyak na ang bawat boto ay bilang at tama ang pagka-transmit.

Samantala, ang ito ang Guide para sa Voters Registration for 2025 Elections in the Philippines
CLICK the link below:

About the Writer

Jenny, the tech wiz behind Jenny's Online Blog, loves diving deep into the latest technology trends, uncovering hidden gems in the gaming world, and analyzing the newest movies. When she's not glued to her screen, you might find her tinkering with gadgets or obsessing over the latest sci-fi release.
What do you think of this blog? Write down at the COMMENT section below.

No comments: